Inihahandog ng Social Science Department ng College of Arts and Humanities at Palawan Studies Center, kasama ang Philippine Studies Society, Guild of Social Studies Majors, Communication Society, at Panrehiyong Sentro ng Wika at Kultura, ang pasinayang lektura sa Araling Palawan sa ika-7 ng Nobyembre, 8:30 ng umaga, sa PSU Ampitheatre.

Tampok ang batikang historyador, Dr. Nilo Ocampo at ang direktor ng Palawan Studies Center, Prof. Michael Angelo Doblado. Tatalakayin ang mga akdang Katutubo, Muslim, Kristyano noong 1621-1901 sa Palawan at ang konteksto ng sulatin ni Pigafetta sa kalinangan ng Palawan sa Politika, Kultura, at Heograpiya.

Narito ang registration link para sa nga mag-aaral at guro ng GE-Palawan Studies. Bukas din sa publiko ang lektura at mapapanood ng live sa page na ito:
https://tinyurl.com/mv9ue7xj